White Christmas
Phew ~ isang gabing madilim, malamig na simoy ng hangin, simbang gabi, puto-bumbong, parol, Christmas Lights, Christmas Trees, mga regalo at si Santa Clause.
PASKO NA ! kay sarap pakinggan. tila nakakapawi ng mga problema. ingay, inom, saya, katuwaan at mga family reunions.
pero naisip mo ba? sa twing dumadating ang pasko, may isang tao ang nde masaya? maaaring gusto mong malaman kung sino.. pero eto ang masasabi ko. di lahat ng tao, masaya sa pasko.
madaming klase ng pasko. isa na dito ang pagkakapwa tao sa mga nakahihirap. simpleng bagay na mula sau, at taos pusong binibigay sa ibang tao.
isa na din dito ang makasama ang taong minamahal mo. ung tipong, nde lang family reunion. nandyan si GF/BF, jowa, shota, kasintahan, babes, bhe, dii/mii at madami pang tawagan.
pero teka, nawala ata ako sa sinasabi ko. SINO ANG NDE MASAYA SA PASKO?
ang sagot ko. ang taong nde marunong magpasalamat sa kung ano ang mayroon sya at ang mga taong nde makuha kung ano ang gusto nya.
pero bakit? maaaring mali ako, maaaring tama ako. pero gaya nga ng sabi ko, ito lamang ay isang opinyon ng isang taong katulad ko.
ang mga taong gahaman sa mga bagay na mayroon sila, ngunit nde marunong magpasalamat sa kung ano/mayroon sya ay malungkot. dahil dito, nde nila napapahalagahan ang mayroon sila. iisipin nilang mapapalitan pa ito ng panibago, o di kaya, mas maganda pa sa dati nito.
isa pa dito ang mga taong pinagkaitan ng pagmamahal. nakipag-break si eks. ganito, ganyan. siguro nga'y dapat pahalagahan ang relasyon, anuman ang katauan o estado nito. dahil nde lahat ng bagay/relasyon/pagkakataon ay nasa atin. nde natin pagmamay-ari ang buong bagay sa mundo. lahat ito, may katapusan. ang importante, ay naipadama mo sa kanya, kung gaano sya kahalaga. maging tao man ito, o bagay.
pero anong saysay netong blog ko? wala lang. gusto ko lang ipadama sa inyo, na sana... malayo man o malapit.. nde mawawala sa isip ng tao ang kahalagahan ng pasko. kaya habang maaga pa lang, binabati ko na kau mga taos pusong mga taga subay-bay ko.
MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON.
1 comment:
bagong taon na ng nabasako ko ang artikulong ito. maganda. walang duda.
at natuwa ako sa iba-ibang tawagang nabanggit. lalo na ang mii/dii.
wag ka mag alala, sa pagdalaw mo sa aking pahina, meron ka ng makikitang bago.
sige, hanggang sa muli.
Post a Comment